Australia, official host country ng 2032 Olympic at Paralympic Games

Australia, official host country ng 2032 Olympic at Paralympic Games

OPISYAL nang kinilala ang Brisbane, Australia bilang host ng Olympic at Paralympic Games sa 2032.

Ito’y matapos personal na inanunsyo ng International Olympic Committee President Thomas Bach ang nakatakdang pag-host ng Brisbane.

Ito na ang pangatlong pag-host ng Australia sa Olympics matapos ang unang hosting ng Melbourne noong 1956 at ng Sydney naman noong 2000.

Samantala, lalo pang naging mahigpit ang pagbabantay ng Tokyo 2020 organizing Committee sa pagsisimula Ng Tokyo Olympics.

Ito’y kasunod ng pagpositibo sa Covid-19 ng mahigit pitumpung delegado.

Sa kasalukuyan, ayon kay International Olympic Committee President Bach, tuloy pa rin ang pinakahihintay na Olympic Games.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *