tauhang nasawi
International

Australia Mining Services, nagdeklara ng labing-siyam na tauhang nasawi sa Burkina Faso attack

KABILANG ang Australian Mining Services Provider Perenti Global na nalagasan ng empleyado matapos ang pag-atake sa Burkina Faso.

Labing-siyam na tauhan ng Perenti ang kasamang nasawi sa ambush, habang dalawampu naman sa mga empleyado ng Perenti ang naiulat na sugatan.

Ayon naman sa Geodrill, dalawa din sa mga empleyado nito ang nasawi sa insidente.

Hindi naman bababa sa tatlumpu’t pito ang kabuuang bilang ng namatay sa pag-atake.

Kasalukuyang nakapailalim ang kontranta ng mga nasawi at nasugatang trabahante sa pamamahala ng Semafo Inc.

Hindi pa din natutukoy ang mga suspek sa pag-atake ngunit tinitingnan na anggulo ng otoridad ngayon ang Islamist Violence sa bansa.

Patuloy pa din ang paghahanap sa mga nawawalang minero na sakay ng isa sa mga convoy.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *