Skyway Stage-3
Metro

Aurora Boulevard at G. Araneta Avenue, pansamantalang isasara para sa konstruksyon ng Skyway Stage-3

PANSAMANTALANG isasara ang Aurora Boulevard at G. Araneta Avenue sa darating na Huwebes, Agosto 15 upang bigyang daan ang konstruskyon ng Skyway Stage-3 Section 2 at 3.

Ayon sa traffic consultant ng Skyway Stage Project na si Engr. Rey Luna, sisimulang isara ang mga nasabing highway mula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw na tatagal ng pitong araw.

Kasunod nito ay naglabas na rin ang Metro Manila Development Authority o MMDA ng alternate route.

Para sa mga light vehicles na manggaling sa Shaw Blvd. o V. Mapa, dumiretso sa Magsaysay Blvd., baybayin ang Santol Street at pagkatapos ay kumanan sa Palanza, Landargun o Bayani Road, pagkatapos ay kumanan sa G.Araneta at vice versa.

Ang mga sasakyan naman na manggagaling sa Cubao patungong Manila area gamit ang Aurora Boulevard ay maaaring kumanan sa Guirayan Street, pagkatapos ay kumaliwa sa Palanza, kumaliwa ulit sa Tomas Arguelles Street o Santol Street patungong Magsaysay Boulevard.

Ang mga saaskyan na manggagaling mula sa N. Domingo at Blumentritt ay dadaan sa Roman, H. Lozada Street at J. Ruiz Street.

Ang mga sasakyan na manggagaling mula sa north mula sa C3 Sgt. Rivera at kakanan sa Bayani, Landargun at Palanza Street, pagkatapos ay kakaliwa sa Santol Street, kaliwa ulit sa Magsaysay Boulevard at dumaan sa V. Mapa, Old Sta Mesa.

Para naman sa alternatibong ruta ng mga trucks, na manggagaling sa Quezon Avenue, at E. Rodriguez Avenue, dumiretso patungong España Boulevard. Pagkatapos ay kumaliwa sa Lacson Avenue patungong Nagtahan at vice versa.

Maaari ring dumaan sa Magsaysay Blvd. patungong V. Mapa hanggang Shaw Boulevard at vice versa.

Base sa datos ng MMDA, nasa 17 hanggang 18 libong motorista ang maaapektuhan ng rerouting.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *