Atty. Peloton, welcome sa hanay ng Comelec bilang bagong commissioner

Atty. Peloton, welcome sa hanay ng Comelec bilang bagong commissioner

WELCOME sa hanay ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong talagang commissioner ng ahensiya na si Attorney Michael Braganza Peloton.

Kasunod ito ng pinalabas na anunsiyo ng Malakanyang sa pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Attorney Michael Braganza Peloton, bilang kapalit sa binakanteng puwesto ni Commissioner Luie Tito Guia sa Comelec.

Nagtapos na ang termino ni dating Commissioner Luie Tito Guia noon pang Pebrero 2, 2020.

Sa isang pahayag, sinabi ng Comelec na napapapanahon na ang pagpasok ni Peloton dahil magagamit ang husay nito sa batas at information technology sa hanay ng commission en banc  na magpapa-improve ng electoral process sa bansa.

Napapanahon din ang pagtatalaga kay Peloton dahil nagsisimula na ang paghahanda ng Comelec para sa 2022 national at local elections sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Samantala, nilinaw ngayon ni Comelec Spokesperson James Jimenez na regular appointment ang pagkakatalaga kay Atty. Michael Braganza Peloton bilang bagong commissioner ng Comelec.

Dahil diyan ay kailangan muna aniyang makumpirma ng Commission on Appointments (CA) si Peloton bago siya manungkulan sa kanyang posisyon bilang bagong commissioner.

Sa kasalukuyan, ang Comelec ay binubuo nina Comelec Chairman Sheriff Abas, at mga commissioner na sina Maria Rowena Amelia Guanzon, Socorro Inting, Marlon Casquejo at Antonio Kho Jr.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *