Sports

Asset ng empleyado ng PSC na sangkot sa payroll-padding scheme, nais ipakumpiska

NAIS na ipakumpiska ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez ang lahat ng personal na pag-aari ng isang empleyado ng PSC na napag-alamang sangkot sa payroll-padding scheme.

Noong isang Linggo nang mapag-alaman na nakakuha ng nasa 14 milyong piso ang empleyado mula sa PSC.

Ang empleyado ng PSC ng kinilalang si Paul Ignacio mula sa Agency Personnel Department ay napag-alamang nagnanakaw mula sa ahensya simula pa noong taong 2014.

Humingi ng tulong si Ramirez mula sa office of the solicitor general upang ilipat ang lahat ng asset ni Ignacio pabalik sa gobyerno.

Nakataktang makipag-pulong muli ngayong araw si Ramirez upang ma-identify ang mga ill-gotten assets ni Ignacio.

 

SMNI NEWS 

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close