Asphyxia, dahilan ng pagkamatay ni Bree Jonson batay sa inisyal na autopsy

Asphyxia, dahilan ng pagkamatay ni Bree Jonson batay sa inisyal na autopsy

ASPHYXIA o kakulangan sa suplay ng oxygen sa loob ng katawan ang dahilan ng pagkamatay ni Bree Jonson, na natagpuang wala ng buhay sa isang beach resort sa La Union batay sa inisyal findings ng autopsy report nito.

Matapos na natagpuang patay ang katawan ng contemporary painter na si bree jonson sa isang resort sa La Union, agad itong dinala sa Ilocos Training and Regional Medical Center habang hinihintay ang consent ng pamilya nito bago isagawa ang otopsiya sa bangkay ng biktima.

Sa rekord ng PNP regional crime laboratory office 1, araw ng linggo ganap na 6:51 ng umaga nang isagawa ang otopsiya sa katawan ng contemporary painter na si Bree Jonson.

Natapos ito 10:00 ng umaga araw ng Lunes September 21.

Mula sa isinagawang initial autopsy, nabatid na Asphyxia o kakulangan sa suplay ng hangin o oxygen sa loob ng katawan nito ang dahilan ng pagkamatay ni Bree Jonson.

 

Ito’y matapos na natagpuang wala ng buhay si Jonson sa nasabing resort.

Ang nasabing autopsy result ay personal na kinumpirma ni Police Regional office 1 director police Brigadier General Emmanuel Peralta.

Bukod dito, nagpositibo rin sa paggamit ng cocaine si Jonson.

Gayunman, hinihintay pa aniya nila ang mga resualta ng histopathological examination sa biktima upang matukoy kung nagkaroon ng foul play sa nangyaring insidente.

Una nang iginiit ng huling kasama ng biktima na si Julian Ongpin na nag-suicide si Jonson.

Samantala, matapos na pakiusapan ng pamilya ni Jonson ang PNP upang siyasatin ang buong katotohanan sa pagkamatay ng kanilang kaanak,

Nanindigan ang pambansang pulisya na mananatili silang patas sa imbestigasyon

“Amid the speculations regarding this case, we appeal to our kababayan to wait for the result of the investigation as we commit that we will continue to update you on the progress of the investigation,”ayon kay PGen. Eleazar.

“At the same time, we assure our kababayan of fairness in the conduct of the investigation in the interest of truth and justice,”dagdag nito.

Kahapon sa muling pagharap ni Julian Ongpin sa mga imbestigador, may ilang karagdagang impormasyon pa na kinuha ang mga otoridad kaugnay sa pangyayari, pero bigo pang sinabi ang resulta ng pagsisiyasat.

‘’Kahapon din ay muling humarap si Ginoong Julian Ongpin sa ating mga imbestigador upang sagutin ang mga karagdagang tanong tungkol sa pangyayaring ito,”ayon kay Eleazar.

Unang nang napagdesisyunan ng pamilya ni Jonson na pangunahan ng NBI ang pagtutok sa kaso ng pagkamatay ng kanilang kaanak pero pumayag din itong pangasiwaan ng PNP ang imbestigasyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *