Arwind Santos
Sports

Arwind Santos, pinagmulta ng PBA dahil sa kanyang ‘monkey gestures’

NASA hotseat ngayon ang San Miguel forward na si Arwind Santos dahil sa kanyang naging ‘monkey gestures’ na direktang patama kay Terence Jones ng TNT.

Naganap ang naturang ‘racial slur’ noong sa second quarter ng GAME 5 ng PBA Finals noong Miyerkules.

Kaugnay nito ay pinatawan ng P200,000 na multa, 100 oras ng community service at sasailalim din sa counseling on equality and racial discrimination si Santos.

Ito ang naging pahayag ng PBA Commissioner na si Willie Marcial tungkol sa insidente.

Dagdag pa nito na walang puwang ang racial discrimination sa sports in general partikular sa PBA.

Binigyan diin din ng PBA commissioner ang paghihingi ng paumanhin at tawad sa pamilya at fans ni Terrence Jones.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *