ARTA ibabalik ang surprise inspection sa LGUs at NGAs

ARTA ibabalik ang surprise inspection sa LGUs at NGAs

IBABALIK ng Anti Red-Tape Authority (ARTA) ang surprise inspection sa Local Government Units (LGUs) at National Government Agencies (NGAs) para siguraduhing lahat ng proseso ay mapapabilis.

Sinabi ni Secretary Jeremiah Belgica, director general ng ARTA, na ina-assess ang proseso ng mga ahensya, opisina at mga kawani na pinuntahan at binigyan ng rekomendasyon kung papaano paiigtingin ang streamlining nito.

Ang surprise inspection ay isang kapamaraanan para mahuli ang opisyal o manggagawa sa gobyerno na lumalabag sa batas sa ilalim ng Republic Act No. 11302 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Kamakailan lamang ay nagsampa ng kasong reklamo ang ARTA laban sa apat na opisyal ng Register of Deeds na nakitaang nagsasagawa ng cut-off schemes at iba pang ease of doing business violations habang isinasagawa ang surprise inspection sa opisina ng Ombudsman.

Pinaalalahanan din ang mga LGUs na hanggang Hunyo 17, 2021 lang ang ibinigay na panahon para i-automate ang transaksyon sa paglalagay ng electronic business one stop shops (e-BOSS)

Samantala, tiningnan din ng ARTA ang National Government Agencies at ang kalakip na ahensya nito na ngayon ay kinakailangan nilang maglabas ng secondary na mga lisensya para sa Central Business Portal sa ilalim ng Section 13 of R.A. No. 11032.

Sinabi rin ni Atty. Belgica na malaking bagay na ang Pangulo mismo ang nagsabi na gawing simple ang mga proseso dahil ang streamlining ngayon ay hindi na isang opsyon kundi kailangan na talaga itong gawin.

(BASAHIN: ARTA at PACC, paiigtingin ang laban kontra korupsiyon sa huling taon ng Duterte Administration)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *