Naval Reserve Command
Metro

Army at Naval Reserve Command, nangako ng tulong sa Maynila

MAKAKAASA ng agarang tulong sa oras ng kalamidad ang Lungsod ng Maynila mula sa Army at Naval Reserve Command.

Ito ang kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno sa ginawang courtesy visit ng mga kinatawan ng Army and Naval Reserve Command ng bansa sa opisina ng alkalde kahapon.

Ani Moreno, asahan na sa gitna ng pananalasa ng pinangangambahang kalamidad gaya ng lindol at baha ay agad na magpapadala ng kaukulang tulong ang hanay ng Phil. Navy at Phil. Army.

Sa kabilang banda, gagawing regular ang ugnayan sa pagitan ng mga barangay, city government at mga kasundaluhan para sa disaster response at social welfare sa lungsod.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *