lalahok
Sports

‘Armless Archer’ Matt Stutzman, isa sa matunog ang pangalan na lalahok sa Tokyo Paralympics

Matunog ang pangalan ng ‘Armless Archer’ na si Matt Stutzman na lalahok sa nalalapit na 2020 Summer Paralympics.

Isa ang American player na si Stutzman na top bet para sa gintong medalya sa naturang torneyo na tatakbo mula August 25 hanggang September 6.

Nakapagtala ng silver medal si Matt noong nakaraang 2012 Paralympics.

Nakuha na din ng archer na ma-hit ang target na may layong 500 hanggang 800 yard sa kabila ng kapansanan nito.

Sa isang panayam, pabirong sinabi ng Para-athlete na kung hindi ito isang archer ay malamang kampeon na siya sa arm wrestling.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ginagamit ni Stutzman ang kaniyang mga paa para maka-hit ng target.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *