Ariana Grande
Showbiz

Ariana Grande, nagbigay tribute kay Mac Miller

NAGBIGAY ng isang tribute via Instagram ang singer na si Ariana Grande sa yumao nitong rapper ex-boyfriend na si Mac Miller.

Sinabi ni Ariana na kanyang tinitingala si Mac noong sila pa lamang ay nagkakilala.

Dagdag pa nito, hindi deserve ni Mac ang ganitong pangyayari at kanyang hinahangad ang kapayapaan nito.

Matatandaan na sa ikalimang album niya ay ini-open ni Mac ang kanyang drug addiction.

Nakatanggap ang 25-year old singer ng backlash mula sa mga netizens.

Sinasabi ng mga netizens na siya ang dahilan ng pagkamatay ni Mac dahil sa nangyaring breakup sa kanila noong Mayo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *