Ariana Grande ikinasal na kay Dalton Gomez sa isang informal Minimony wedding

Ariana Grande ikinasal na kay Dalton Gomez sa isang informal Minimony wedding

IKINASAL na ang ‘The 7 Rings’ singer na si Ariana Grande, 27 sa kaasintahan nitong si Dalton Gomez, 25.

Ayon sa isang source, noong May 17 naganap ang kasalan sa mismong bahay lamang ni Grande sa Montecito o kilala rin na isang Oprah country,

Dahil pribado ang nasabing kasalan, tinataya na hindi aabot sa bente ang mga dumalo, kasama na rin dito ang myembro ng pamilya at mga kaibigan nina Ari at Dalton.

At ayon din sa source na walang totoong seremonya , at ang kanilang “I dos” ay isang impormal na paraan. At ekslusibo lang talaga umano ito sa kanila. Hindi malinaw kung gaano katagal nila pinlano na gawin ito sa ganitong paraan o sa madaling salita, maging mapusok o hindi.

Si Ariana at Dalton ay engaged na bago ang Xmas at gumugol ng maraming oras na magkasama sa panahon ng pandemya. Nag-post sila ng maraming mga litrato na nagpapalabas ng kanilang pagmamahalan, at pagkatapos ng kanilang engagement.

Kahit na ang kanilang Minimony wedding ay isang sorpresa, naramdaman  ng lahat ang pagiibigan ng dalaw. Noong unang bahagi ng Abril, nagbahagi ang singer ng ilang mga larawan ng ‘future husband.’

“My heart my person, Thank u so much for being u.” pahayag ni Ari.

View this post on Instagram

 

A post shared by Ariana Grande (@arianagrande)

Ang ina rin ni Ariana na si Joan, ay nagbigay sa kanya ng stamp ng pag-apruba.

“I am so excited to welcome Dalton Gomez into our family! Ariana, I love you and Dalton so much!!!! Here’s to happily ever after! YAY! xoxoxo”

Si Dalton ay isang ahente ng real estate, ay nagsimulang makipag-date kay Ariana noong unang bahagi ng taong 2020.

Noong Hunyo naman ay bumili ng bahay si Ari mula kay Ellen DeGeneres. Nagkakahalaga naman sa 6.75 milyong dolyar ito. Isang perpektong lugar para sa isang maliit na kasal!

Matatandaan na dati nang engaged si Ari kay Pete Davidson at dapat ay ikasal na. Nagtagal ng tatlong taon ang dalawa pero sa kalaunan ay nagkahiwalay rin.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *