nanguna
Showbiz

Ariana Grande at Billie Eilish, nanguna sa nominasyon sa American Music Awards 2019

NANGUNA sa may pinakamaraming nominasyon sa American Music Awards (AMA) 2019 ang Pop superstars na sina Ariana Grande at Billie Eilish.

Kapwa humakot ng tig-anim na nomination ang dalawang 2019 hit makers.

Nominado sa grand prix na Artist of the Year Award si Ariana kung saan makakalaban nito si Taylor Swift, Drake, Halsey at Post Malone.

Habang up for Best New Artist ang first time nominee na si Billie kung saan makakaharap nito sina Lil Nas X, Lizzo at Ella Mai.

Ang 23-time ama winner naman na si Taylor Swift ay mayroong 5 nominasyon ngayong taon.

Magkakaharap-harap din sina Ariana, Billie at Taylor sa Female Artist of the Year Award.

Ang K-Pop group naman na BTS na nagwagi bilang Favorite Social Artist noong nakaraang taon at nominado sa 3 kategorya ngayong taon.

Gaganapin ang awards night ng AMAs 2019 sa Microsoft Theater sa Los Angeles sa November 24.

Kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler, ibinahagi ang pangalan ng kanyang magiging anak

EXPECTING father na ang kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler.

Proud at masayang inanunsyo ni Baron na nagdadalang tao na ang kaniyang asawa na si Jamie Marie Evangelista.

Kasunod nito ay humingi ng dasal ang aktor para sa ligtas na pagbubuntis ng kaniyang newly-weded-wife hanggang maisilang ang kanilang baby.

Ibinahagi din ni Baron ang chosen name nila para sa kaniyang panganay na Talitha Cumi.

Pebrero sa sususnod na taon nakatakdang isilang si baby Talitha.

Noong nakaraang buwan lang nang ikasal si Baron at Jamie makalipas ang isang taong pagsasama.

 

SMNI NEWS

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *