Areas of concern sa Mindanao dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19, tinukoy ng OCTA Research Group

Areas of concern sa Mindanao dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19, tinukoy ng OCTA Research Group

ILANG lugar sa Mindanao ang tinukoy ngayon ng OCTA Research group bilang areas of concern dahil sa nakakabahalang pagtaas ng COVID-19 cases sa lugar.

Kabilang sa areas of concern ay ang Cagayan de Oro, General Santos, Koronadal, Cotabato at Davao City na posibleng malampasan pa ang Quezon City pagdating sa dami ng bagong kaso ng virus.

Ayon sa datos ng ahensya mula noong May 31 hanggang June 6, 62% ang itinaas nang mga kaso ng COVID-19 infections sa Cotabato City.

Habang ang Davao naman ay nakitaan ng 54% na pag-akyat ng mga kaso, gayundin ang Koronadal.

Ang mga areas of concern naman sa labas ng Mindanao na tinukoy ng ahensya ay ang Bacolod, Iloilo, Dumagueta at Tuguegarao.

Tinukoy din ng OCTA ang mga areas of concern sa labas ng Mindanao tulad ng Bacolod, Iloilo, Dumaguete at Tuguegarao.

Tinukoy din ang mataas na healthcare utilization rate sa Ilo-ilo, Misamis Oriental at Cagayan.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *