Arbitral ruling sa West Philippine Sea, hindi maaaring galawin- Esperon

Arbitral ruling sa West Philippine Sea, hindi maaaring galawin- Esperon

HINDI maaaring galawin ang arbitral ruling sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay National Security adviser Secretary Hermogenes Esperon sa panayam ng SMNI news, ito ang dahilan kung bakit walang basehan ang claims ng China sa Ayungin Shoal at sa mismong West Philippine Sea.

Wala rin umanong karapatan ang China na harangin ang re-supply sa mga sundalong pilipino sa Ayungin Shoal.

Magugunitang naka-standby ang transport ship BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal para maipakita sa mga tsino ang karapatan ng Pilipinas sa arbitral ruling sa West Philippine Sea.

Dito na rin namalagi ang mga sundalo na syang pagdadalhan sana ng supply noong November 16 subalit hinarang ito ng mga Chinese vessel.

Ibinahagi naman ni Esperon na natuloy na ang re-supply kagabi.

Samantala, ninanais ni Esperon na madagdagan sana ang coast guards na naka-destino sa Ayungin Shoal.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *