Araw ng Maynila
Metro

Araw ng Maynila, ginugunita ngayong araw

PINANGUNAHAN ni Maynila City Administrator Atty. Ericson Alcovendaz ang pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rajah Sulayman sa Roxas Boulevard sa Malate kaninang umaga kasabay ng paggunita ng Ika-448 anibersaryo ng Araw ng Maynila.

Ang programa ay dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng naturang lungsod habang hindi naman nakadalo si Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Una nang itinakda ng Malakanyang na isang special non-working day dito sa capital city na Maynila ngayong araw.

Nagdeklara naman ng walang pasok ang mga pampubliko at pribadong paaralan.

Samantala, sa isang Twitter account, sinabi ni incoming Manila City Mayor Isko Moreno na sa paggunita ng Araw ng Maynila, dapat alalahanin ng mga Manileño ang mga hamon na buong tapang na hinarap at napagtagumpayan ng mga ito noong mga nakaraang henerasyon.

Kaugnay nito, nanawagan si Moreno ng pagkakaisa ng mga Manileño tungo sa tuluy-tuloy na pag-asenso.

Nagbigay-garantiya naman ang incoming mayor na makakaasa ang mga manileno na makamit nito ang mas progresibo at mas pinagandang lungsod ng Maynila.

CRES JAY CAT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *