Ara Mina, finally natagpuan na ang kanyang God’s best

Ara Mina, finally natagpuan na ang kanyang God’s best

MASAYANG ibinahagi ng actress-entrepreneur Ara Mina at ang boyfriend niyang si Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez.

Sa pamamagitan ng Instagram post mula sa account ng Nice Print photo, kahapon ng gabi tampok dito ang larawang kuha ng dalawa sa naganap na engagement nila.

Magugunita na kinumpirma ni Ara Mina sa publiko noong November 2020 na exclusively dating sila ni Dave.

Matatandaan din na sa nagdaang panayam ni Ara sinabi nito na sana ang next relationship niya ay yung magiging partner in life niya o yung maituturing niyang God’s best at mukhang si Dave na nga ito.

Samantala, suportado si Ara ng kanyang pamilya, kaibigan sa industriya, maging ang mga fans nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *