headline performer
Showbiz

Apl De Ap ng Black Eyed Peas, headline performer sa SEA Games opening ceremony

PANGUNGUNAHAN ng Filipino-American rapper na si Apl De Ap ang opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa susunod na sabado, Nobyembre a-30.

Headline performer ang Black Eyed Peas member sa naturang event na gaganapin sa Philippine Arena.

Sa social media, nagsimula na ng countdown ang Fil-Am rapper para sa pormal na pagbubukas ng SEA Games.

Kasamang magtatanghal ni Apl ang iba pang Pinoy artist na gumawa ng pangalan sa international scene.

Kabilang na dito sina Aicelle Santos, Jed Madela, Kz Tandingan, Lani Misalucha, TNT Boys at marami pang iba.

Nauna namang inanunsyo ng broadway superstar na si Lea Salonga na siyang boses sa likod ng SEA Games offical theme song na “We Win As One” na hindi ito makakasama sa opening ceremony bunsod ng conflicting schedules.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *