Bagyong Marilyn
National

Apektado ng habagat na pinalakas ng Bagyong Marilyn, umabot sa higit 2,000

NASA higit 2, 000 katao ang naiulat na apektado ng habagat na pinalakas pa ng Bagyong Marilyn.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 2,360 katao o 480 na pamilya ang nasalanta ng habagat dulot ng Bagyong Marilyn na lumabas ng PAR noong Sabado ng gabi.

Sa report ng NDRRMC, ang mga apektadong indibidwal ay mula sa labing apat na barangay sa Region 9, 11 at 12.

Habang nakaranas naman ng pagbaha ang 53 lugar kabilang na ang Region 3, 6 at 9.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang damage assessment ng kanilang mga regional offices sa mga nasirang kabahayan at imprastraktura sa pananalasa ng bagyo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *