nasawi
International

Apatnapu katao nasawi, daan-daang iba pa ang sugatan sa panibagong kilos-protesta sa Iraq

NASA apatnapu katao ang nasawi habang mahigit dalawandaang iba pa ang sugatan sa panibagong serye ng malawakang kilos-protesta sa Iraq kahapon.

Naganap ang kilos-protesta isang araw matapos sunugin ng mga demonstrador ang gusali ng Iranian consulate sa Holy City ng Najaf noong miyerkules matapos ikagalit ng mga ito ang umano’y pangingialam ng Iran sa internal affairs ng kanilang bansa.

Tinatayang nasa 350 katao na ang nasawi habang libo-libong iba pa ang sugatan simula nang maganap ang malawakang kilos-protesta sa iraq noong Oktubre.

Nag-ugat ang kilos-protesta dahil sa mataas na antas ng unemployemnt rate, korapsyon at mababang kalidad ng public services habang nanawagan din ang mga demonstrador na patalsikin sa pwesto ang mga namumunong political elite sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *