Apat na pyramiding scheme
Regional

Apat na pyramiding scheme sa Central Visayas, minomonitor

PATULOY na mino-monitor ngayon ng Police Regional Office (PRO)-7 at National Bureau of Investigation ang apat na pyramiding scheme sa iba’t ibang bahagi ng Central Visayas.

Ito ang inihayag ni PRO-7 Regional Director, Police Brigadier Gen. Debold Sinas, subalit tumanggi muna itong pangalanan ang mga nasabing kompanya.

Ayon kay Sinas, may hindi bababa sa 10,000 katao na ang nakapag-invest sa mga nasabing pyramiding scheme at inaasahang tataas pa ang nasabing bilang.

Tiniyak naman ni Sinas na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga pyramiding scheme hanggang sa wala ng maloko ang mga ito.

Samantala, kinumpirma rin ng opisyal na nakapasok na ang Kabus Padatoon o KAPA sa probinsiya ng Bohol at sa Negros Island.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *