Apat na pulis
Metro

Apat na pulis na nagsusugal at umiinom sa Quezon City, arestado

ARESTADO ang apat na pulis matapos maaktuhang umiinom at nagsusugal sa isang restaurant sa Barangay Bagong Lipunan, Cubao, Quezon City.

Sa impormasyon mula sa Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), kinilala ang mga pulis na sina Police Staff Sergeant Erwin Gobis, Police Senior Master Sergeant Demetrio Laroya at Police Corporal Ariel Pasion na pawang nakatalaga sa PNP Health Service at si Police Staff Sergeant Gerry Ocampo na nakatalaga sa PNP Crime Laboratory.

Naaresto rin sa operasyon si Leo Ocinar, isang non-uniformed personnel, dating pulis na si Fidel Agustin at may-ari ng online game establishment na si Teddy Carpio.

Narekober mula sa mga suspek ang P14,430 na cash, 2 television sets na ginagamit sa online gambling, digital video recorder para sa CCTV, isang roll of betting ticket, 2 digital box at 23 na bote ng wine.

Ayon sa PNP – IMEG, nag-ugat ang operasyon matapos silang makatanggap ng ulat na ilang pulis ang madalas makita sa lugar na nagsusugal at umiinom.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP-IMEG ang mga pulis at ang mga ebidensya.

Matatandaang Enero nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya at militar na huwag umiinom o sumugal sa mga pampublikong lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *