hinihinalang drug pusher
Regional

Apat na hinihinalang drug pusher, patay sa magkakahiwalay na operasyon

PATAY ang apat na hinihinalang drug pusher matapos pawang nanlaban sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Laguna nitong magdamag.

Sa Camella Homes sa Cabuyao City, napatay ang kinilalang suspek na si Roberto Patricio Jr. kung saan narekober dito ang isang kalibre .38 na baril.

Sa Calamba City, dalawang suspek din ang napatay nang magtangkang paputukan ang mga aarestong pulis.

Narekober sa mga ito ang isang kalibre 38 at kalibre 45 na baril.

Habang sa Purok 7, PNR site, barangay nueva sa  san pedro city, nasawi ang isang lalaking tulak ng droga.

Nakuha sa kaniya ang isang kalibre 45 na baril.

BERNARD FERRER

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *