ng Toronto Raptors
Sports

Apat katao, sugatan sa pamamaril sa victory celebration ng Toronto Raptors

APAT ang sugatan sa naganap na pamamaril na nagdulot ng stampede sa ginanap na victory celebration ng Toronto Raptors ngayong araw.

Agad namang naaresto ang tatlo suspek sa pamamaril kung saan nakuha mula sa mga ito ang dalawang baril.

Ayon sa Toronto police, hindi pa malinaw ang naging motibo ng mga salarin sa naganap na insidente.

Nanawagan naman ang Police Chief ng City of Toronto na si Mark Saunders sa mga witnesses na magsumite sila ng videos na maaaring makatulong sa imbestigasyon.

Sa ngayon, malayo sa bingit ng kamatayan ang apat na sugatan na nagtamo ng gunshot wounds.

Ang victory celebration sa Toronto ay kasunod ng pagkakakuha ng unang NBA championship title ng koponan makalipas ang 24 taon ng simula itong mapabilang sa franchise.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *