Antiporda, humingi ng dispensa sa UP experts tungkol sa Manila Bay white sand project

Antiporda, humingi ng dispensa sa UP experts tungkol sa Manila Bay white sand project

HUMINGI ng dispensa si Environment Undersecretary Benny Antiporda sa University of the Philippines (UP) matapos itong umani ng batikos dahil sa kontrobersiyal nitong komento sa experts ng institusyon.

Matatandandaan na binatikos si Antiporda matapos nitong sabihang “bayaran” ang mga UP experts sa kalagitnaan ng kontrobersiyal na Manila Bay White Sand project.

Ani Antiporda, gusto niyang humingi ng dispensa sa naunang pahayag nito laban sa UP at hindi nito intensiyon na sirain ang magandang pangalan ng unibersidad.

Dagdag pa nito, ito lang ay isang mensahe sa UP MSI (Marine Science Institute) na magkatuwang sila sa proyektong ito.

Ani Antiporda, nadala lamang siya ng kanyang emosyon dahil nasaktan siya at hindi siya pulitikong indibidwal kaya ganun na lamang ang kanyang naging reaksyon.

Tinanggap naman ni UP MSI Director Laura David ang paghingi ng tawad ni Antiporda at nilinaw na walang “bad blood” sa pagitan ng DENR at UP.

Samantala, sinabi ni Antiporda na dapat na ipaalam muna ng UP experts ang kanilang ahensiya bago publikong punahin ang Manila Pay project.

Idudulog na lamang kay Pangulong Duterte

Pinayuhan naman ni Antiporda ang Geographic Society of the University of the Philippines na dumulog na lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa kanyang resignation.

Ito ang naging tugon ni Antiporda kasunod ng panawagan ng mga ito sa kanyang pagbibitiw matapos ang kanyang pagtawag sa UP Marine Science Institute na “bayaran”.

Ayon kay Antiporda, maaring sumulat ang UP GeogSoc sa pangulo ng mga reklamo laban sa kanya.

Sakali aniyang ipag-utos ng pangulo ang kanyang pagbibitiw sa puwesto ay gagawin niya ito.

Nito lamang araw nang humingi na ng paumanhin si Antiporda sa mga UP expert at iginiit nito na natangay lamang siya ng kanyang emosyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *