Anti-red tape power kay Pangulong Duterte, target na maipasa ngayong araw

Anti-red tape power kay Pangulong Duterte, target na maipasa ngayong araw

TARGET ngayong araw ng Kamara na ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang labanan ang red-tape sa pamahalaan.

Ito ay matapos na mabilis na naipasa sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang naturang panukala kagabi sa pamamagitan ng viva voce voting.

Ang naturang panukala ay pangunahing iniakda ng bagong House Speaker Lord Allan Velasco.

Sa ilalim nito, bibigyan ng otoridad ang pangulo na paikliin ang oras o araw ng pagproseso o kayay i-suspend muna ang mga requirements para sa national and local permits, licenses at certifications.

Dahil dito ay mapabilis ang pag-isyu sa mga lisensya lalo sa mga oras na maharap ang bansa sa isang national emergency tulad na lamang ng COVID-19.

Sakop ng panukala ang lahat ng ahensiya sa ehekutibo, kabilang na ang departments, bureaus, offices, commissions, boards, councils; government instrumentalities, at government owned and controlled corporations.

Una nang nangako ang liderato ng Kamara na ipapasa rin nila sa 3rd at final reading ang panukala ngayong araw bago matapos ang special session na ipinatawag ng Pangulong Duterte.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *