Antas ng tubig
National

Antas ng tubig sa mga dam patuloy ang pagbaba

PATULOY ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam at iba pang dam sa Luzon sa kabila ng panaka-nakang nararanasang mga pag-ulan.

Sa huling tala ng Pagasa Hydrology Division, bumaba pa sa 164.02 meters ang water level sa Angat.

Nabawasan ito ng .46 meters mula sa 164.45 meters kahapon ng umaga.

Bahagya naman nabawasan ang tubig sa La Mesa Dam na ngayon ay nasa 68.57 meters.

Samantala, ilan pa sa mga nabawasan ang water level ang Ipo, Magat at Caliraya Dam.

Una nang sinabi ng Manila Water na muling silang magbabawas ng produksyon ng tubig dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat at Ipo.

Sinabi nitong dahil sa pagbaba ng water level sa dalawang dam ay kailangan nilang buksan ang low-level outlet ng Angat upang makapagdagdag ng suplay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *