Dengvaxia case
Health

Anim pang Dengvaxia case laban sa mga opisyal ng pamahalaan, isinampa

KARAGDAGANG anim na Dengvaxia case ang isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Department of Justice laban sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa Dengvaxia vaccine.

Ito ang kinumpirma ni PAO Chief Persida Rueda Acosta kaugnay sa pagkamatay ng mga bata matapos umanong maturukan ng Dengvaxia.

Sa ngayon ay nasa labindalawa na ang naisampang kaso sa fourth Dengvaxia case at ika-44 na kasong isinampa ng PAO laban sa mga respondents.

Kabilang sa mga respondents sina dating Health Sec. Janette Garin, kasalukuyang Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III, mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH, Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.

Kasabay ng pagsasampa ng kaso, muli namang nagsagawa ng kilos protesta ang mga magulang ng mga batang biktima ng Dengvaxia sa harap ng DOJ.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *