Libya
International National

Anim na Pilipino mula Libya, pauwi na ng Pilipinas

PAUWI na ng Pilipinas ang anim pang Pilipino na tumalima sa apela ng Philippine Embassy na umalis sa Libya.

Sinabi ni Chargé D’affaires Elmer Cato na kasama rin sa uuwi mula Libya ay ang dalawang Rapid Response Teams mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nagpatupad ng mandatory evacuation ang gobyerno ng Pilipinas sa Filipino workers sa Tripoli at iba pang conflict-torn areas sa loob ng 100-kilometer radius bunsod ng lumalalang security situation doon.

Nitong Miyerkules nang inilagay ng DFA sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa nasabing bansa.

Sa ilalim ng security warning, hinihikayat ang lahat ng Filipino sa nasabing bansa na umalis at sumama sa isinasagawang evacuation na inaalok ng pamahalaan

Tinatayang nasa mahigit isanlibong Filipino workers ang nanatili sa Libya.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *