Anim na miyembro ng communist terrorist group sumuko sa Zambales

Anim na miyembro ng communist terrorist group sumuko sa Zambales

UNTI-unti nang nauubos ang pwersa ng mga komunista at teroristang grupong  CPP-NPA-NDF matapos sumuko ang anim pang miyembro ng communist terrorist group sa Zambales.

Ayon sa mga rebeldeng sumuko, hindi na nila matiis ang hirap na dinaranas sa kabundukan at nais na rin nilang makapiling ang mahal nila sa buhay.

Ngayon lang nila nakita sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte na seryoso at may totoong malasakit ang pamahalaan.

Kabilang sa mga sumuko sina alyas Bagis, Nacional, Alaxan, James, Jossie at alyas Labor na pawang tubong Zambales.

Ayon sa mga dating rebelde, nahikayat silang sumama dahil sa una ay kunwaring tinutulungan sila hanggang sa tinuruan sila ng mga doktrina ng NPA.

Inamin din ng mga sumukong rebelde na kasama sila sa mga nangyayaring pang-aambush sa probinsya.

Iisa lang ang tinuturong tao na nag-recruit sa kanila at ito ay ang nagngangalang Commander Ivar.

“It is not the winning of many battles but on how to subdue your enemies without having to fight with them that matters most,” ayon sa pahayag ni PCol. Romano V. Cardiño, Provincial Director-Zambales PPO.

Makatatanggap naman ng tulong ang mga nagbalik-loob sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na mula sa gobyerno.

Dagdag pa ni Cardiño na naging matagumpay ang E-CLIP para mahikayat ang mga rebelde na bumalik sa pamahalaan.

“The E-clip program of the government has been very successful in enticing rebels to return to the folds of the law,”dagdag ni Cardiño.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *