Ride-hailing firm Angkas
Metro

Ride-hailing firm Angkas, may libreng sakay sa mga pasahero ng LRT-2

MAY alok na rin na libreng rush hour rides ang motorcycle ride-hailing firm Angkas sa mga pasahero sa kahabaan ng LRT-2 line sa kabila ng partial operation nito.

Ayon sa Angkas, maaring ma-avail ng mga pasahero ang kanilang libreng sakay mula Martes hanggang Huwebes, 8:00 hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Ito ay mula sa west end ng LRT-2 sa Recto, Manila hanggang Santolan sa Marikina down east at vice versa.

Alas sais kaninang umaga nang bumalik ang partial operation ng LRT-2 mula Cubao hanggang Recto lamang.

Matatandaang limang araw isinara ang railway matapos masunog ang power rectifier nito sa kahabaan ng Katipunan Avenue noong Huwebes.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *