humingi ng paumanhin
Showbiz

Angelica Panganiban, humingi ng paumanhin sa kaniyang larawan sa Holocaust Memorial

AGAD na humingi ng paumanhin ang actress-comedian na si Angelica Panganiban kaugnay ng kaniyang OOTD photo na kuha sa Holocaust Memorial sa Berlin, sa Germany.

Ito ay matapos ulanin ng batikos ang naturang larawan dahil sa umano kawalan ng respeto nito sa kasaysayan ng lugar.

Sa kaniyang twitter post, iginiit ni Angelica na wala siyang anumang intensyon na bastusin ang ala-ala ng mga biktima noong Holocaust.

Aniya, humihingi siya ng tawad sa lahat ng na-offend sa kaniyang naking aksyon at nangakong hindi na mauulit pa ang ganitong klaseng insidente.

Magsisilbi aniyang aral ito sa kaniya na mas maging sensitibo at mas magkaroon ng kamalayan sa kasaysayan ng kaniyang mga binibisitang lugar.

Kahapon lang ng tawagin ng netizens ang pansin ni Angelica dahil sa OOTD shot nito sa Holocaust Memorial.

 

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *