pasok
Showbiz

Angel Locsin, pasok sa listahan ng “most generous charity donors in Asia” ng Forbes magazine

Pasok ang Pinay superstar na si Angel Locsin sa taunang listahan na “Heroes of Philanthropy” ng Forbes magazine.

Ito ay dahil sa bukas sa loob na pagbibigay ng 1-million peso donation ni Angel sa mga residenteng naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

Hinangaan din ang aktres sa personal na paghatid nito ng relief goods sa mga biktima ng kalamidad gayundin noong Marawi seige.

Sa tala ng Forbes, aabot sa 15 million pesos ang kabuuang charity donation ng dating Darna star sa nakalipas na dekada.

Bukod kay Angel, pasok din sa listahan ang Pinoy Businessman na si Hans Sy ng Sm group.

Ang “30 Outstanding Altruists in Asia-Pacific” ay pagbibigay kilala ng Forbes sa billionaires, celebrities at bussinessmen na aktibo sa charity works.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *