kinumpirma
International

Amerika, kinumpirma ang pinakaunang kaso ng coronavirus mula Wuhan China

KINUMPIRMA ng U.S Na nakarating na sa kanilang bansa ang pinakaunang kaso ng coronavirus mula Wuhan China.

Tiniyak naman ng mga otoridad na low rist at nasa mabuting kalagayan  na  ang nasa trenta anyos na pasyente mula sa seattle, Washington na kusang sumuko sa federal at state officials matapos mabasa ang SARS like virus sa mga news reports.

Kaugnay nito ay umabot na sa siyam ang kabuuan bilang ng nasawi dahil sa nakamamatay na virus habang umabot na sa 440 kaso ang bilang ng mga apektado ng nasabing sakit sa China.

Magsasagawa naman ng emergency meeting ang World Health Organization ngayong Miyerkules upang matukoy kung dapat nang magdeklara ng rare global public health emergency kaugnay sa saklaw ng nasabing sakit na karamihan ay mula sa China at umabot na rin sa Thailand, Japan, South Korea, Taiwan at U.S

Kinumpirma rin kamakailan ng Chinese Health Authorities na naipapasa sa pamamagitan ng human-to-human transmission ang naturang sakit at nagbabalang posibleng magmutate ang virus at kumalat pa ito.

North Korea, tuluyan nang inabandona ang nuclear freeze dahil sa US sanctions

TULUYAN nang inabandona ng North Korea nuclear freeze na layuning itigil ang nuclear at missile testing sa bansa.

Sa naganap na pulong ng united nations sa Geneva, Switzerland, sinabi ni Ju Yong Chol, counselor at North Korea’s mission to the U.N., nabigo ang Amerika na tuparin ang year-end deadline para sa nuclear talks sa pagitan ng kanilang bansa at Amerika.

Sinisi rin ng North Korean officials ang umano’y nagpapatuloy na brutal at hindi makataong sanctions na ipinataw ng Amerika laban sa North Korea.

Umaasa naman ang Washington na magiging bukas ang North Korea upang muling pag-usapan ang denuclearization at magampanan ng dalawang bansa ang kani-kanilang mga tungkulin hinggil sa nasabing usapin.

 

SMNI NEWS 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *