American Guard Jordan Clarkson
Sports

American Guard Jordan Clarkson, kabilang sa listahan ng national team sa World Cup

KABILANG ang pangalan ng American Guard Jordan Clarkson sa listahan ng national team pool na maglalaro para sa 2019 FIBA Basketball World Cup.

Ito ang naging rebelasyon ng national team coach na si Yeng Guiao, matapos isama ang pangalan ni Clarkson sa 18-19 selected player sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Kasama din sa listahan si naturalized Filipino center Andray Blatche.

Ani Guiao, na nanatili pa din ang kaniyang pag-asa na mapapabilang si Clarkson sa national team.

Pero paglilinaw ng national coach na magsisilbi din aniya itong back up plan para sa kampanya ng Pilipinas sa FIBA.

Unang sinuot ni Jordan ang national team uniform sa nakaraang 2018 Asian Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Gagawin naman ang 2019 FIBA Basketball World Cup sa China ngayong Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *