pinababalik
National

Ambassador at mga Consul na pinauwi sa bansa, pinababalik na sa Canada

PINABABALIK na muli ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ambassador at consul sa Canada na nauna nang pinauwi ng Pilipinas dahil sa basura ng nasabing bansa.

Inihayag ang kautasan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kanyang Twitter post.

Nagpasalamat at humingi rin ito ng paumanhin sa perwisyong inabot ng mga pinauwing opisyal.

Ngayong araw nang tuluyan nang umalis sa bansa ang barko na lulan ang 69 container vans ng basura pabalik sa Canada.

Matatandaang agad pinauwi ni Locsin ang mga opisyal ng Pilipinas sa Canada matapos mabigo ang nasabing bansa na tumalima sa May 15 deadline ng pamahalaan para kunin ang kanilang basura.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *