tataas
Regional

Alokasyon ng tubig sa mga irigasyon sa Bulacan at Pampanga, tataas ayon sa National Water Resources Board

MADARAGDAGAN ang alokasyon ng tubig partikular na sa mga sakahan sa probinsya ng Bulacan.

 Ito ang inanunsyo ng National Water Resources Board kasunod ng pagtaas ng tubig sa Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng tubig ng mga Bulakenyo.

Dahil dito magkakaroon ng water allocation increase na 42 cubic meters per second (cms) sa Metro Manila kabilang ang mga lungsod at munisipalidad ng Bulacan kabilang na ang ilang bayan sa Rizal at Pampanga.

Makakatanggap din ang National Irrigation Administration ng karagdagang 20 cms na tubig para sa irigasyon ng mga bukirin sa Bulacan at Pampanga.

Ang karaniwang natatanggap lang kasi ng mga bukirin sa dalawang probinsya sa mga nagdaang panahon ay 30 cubic meter per second.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *