Showbiz

Alma Concepcion umalma sa ‘gawa-gawang’ kuwento ng fan


Umalma ang aktres na si Alma Concepcion sa ‘gawa-gawang’ kuwento ng isang fan laban sa kanya.
Sa Facebook post ng isang Jeffrey Arciaga Moje, sinabi nito na niyaya siya ng aktres na magkape at akala rin niya ay yayayain siya nitong gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
Binuhay rin ng nasabing fan ang pagkakaaresto kay Alma noong 1998 sa Agana Airport sa Guam matapos makuhanan ng shabu at drug paraphernalia.
Ayon kay Alma, hindi siya makapaniwalang nakagawa ng imbentong post ang fan.
Nilinaw rin niya sa fan na itinama na niya ang kanyang pagkakamali noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *