Red Velvet
Showbiz

All girl K-pop group na Red Velvet, mag-release ng bagong album

EXCITED na excited na ang mga Pinoy fans ng sikat na all-girl K-pop group na Red Velvet dahil bukod sa nakatakdang concert nila sa bansa ay magre-release din sila ng bagong album.

Sa kanilang social media accounts ay nag-upload sila ng teaser image ng kanilang bagong mini album na pinamagatang “The ReVe Festival: Day 1” na nakatakdang i-release sa June 19.

Pangungunahan ng grupo nila Irene, Seulgi, Wendy, Joy at Yeri ang K-pop World Music Festival 2019 sa June 9 na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Sasamahan sila ng ibang K-pop group ng NCT 127, Elris, at soloist na si Kim Dong-Han.

Ang Red Velvet ay nakilala dahil sa kanilang mga hit songs na “Bad Boy,” “Power Up,” at “Close to Me.”

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *