All-boys school sa Bangkok, pansamantalang ipinasara dahil sa positibong kaso ng COVID-19

All-boys school sa Bangkok, pansamantalang ipinasara dahil sa positibong kaso ng COVID-19

PANSAMANTALANG ipinasara ang All-boys school sa Bangkok dahil nagpositibo ang isang estudyante sa kaso ng COVID-19.

Ang Suankularb Wittayalai School ay bumalik sa online classes matapos ang isang linggong pagbabalik sa on site study.

Inihayag ng All-boys Secondary School sa Bangkok na sa unang dalawang linggo ng bagong school year na nagsimula noong Nobyembre 1, ang mga klase ay nagiging online lamang.

Noong nakaraang linggo nag-arrange na ng on site at online classes ang paaralan bago pa ito makadiskubre na ang isang estudyante ay naimpeksyon ng COVID-19.

Ang nagpositibong estudyante ay napag-alamang  nakuha ang virus mula sa mga magulang nito.

Sumailalim naman ang mga kaklase ng nagpositibong estudyante sa quarantine ng pitong araw kung saan sila ay sasailalim sa isa pang antigen test.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *