Alex Gonzaga, nagbigay ng tricycle sa isang 12 year old fan

Alex Gonzaga, nagbigay ng tricycle sa isang 12 year old fan

NABIGYAN ng bagong tricycle ng aktres na si Alex Gonzaga ang labindalawang taong gulang na batang lalaking fan nito.

Matatandaan na sa ginawang vlog ni Alex Gonzaga noong Hulyo 25 kasama si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade, na napagdesisyunan ng aktres na magbigay ng prizes sa mga netizen kapag nasagot ang kanyang tanong – kung ano ang paboritong parte sa mga proyekto ng DOTr.

Nanalo naman dito si Vincent Sotalbo, mag-aaral ng Rizal Standard Academy na nagtapos bilang valedictorian.

Ang sagot ni Vincent, natutuwa siya dahil mas malinis na ngayon ang mga pampublikong sasakyan kumpara dati at maganda na rin ang airconditioned na mga ito bukod pa sa nakakapagpatupad ng safety protocols.

Inihayag naman ni Sec. Tugade sa kanyang post na timing ang pagkapanalo ni Vincent dahil nasira na rin pala ang motor ng kanyang tatay na ginagamit sa pamamasada at wala umanong pera pampaayos ang pamilya.

Dagdag pa ni Tugade, isang consistent scholar si Vincent sa kanilang paaralan.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *