Alex Gonzaga, ibinahagi ang karanasan sa pakikibaka sa COVID-19

Alex Gonzaga, ibinahagi ang karanasan sa pakikibaka sa COVID-19

IBINAHAGI ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga na nagkaroon ng COVID-19 outbreak sa kanilang tahanan.

Kasama sa nagpositibo ng COVID-19 ang kanyang mga magulang, ang assistant na si Sofie at maging ang kanyang fiancé na si Mikee Morada.

“Nagkaroon ng outbreak dito sa aming bahay,” pagbunyag ng aktres.

Say ni Alex na isa sa kasamahan nila sa bahay na hindi niya pinangalanan ang nag-craving na kumain sa labas at naniwala siyang doon nakuha ang virus.

Ibinahagi naman ng aktres ang kanyang kalungkutan dahil sa hindi inaasahan ay nasira ang lahat ng kanyang plano sa buwan ng Oktubre.

“Gusto mo ikasal pero ‘di naman puwede. Gusto mo ikasaL pero ganito ‘yung nangyari, so parang ‘di mo pa alam kung itutuloy mo pa or hindi,” kuwento ni Alex.

Dagdag pa ng aktres na may new show siya na dapat niyang lalahukan ngunit kailangan niyang baguhin ang lahat ng kanyang plano at manatili ng bahay sa loob ng dalawang linggo.

Ngunit naging masaya na rin ang aktres na asymptomatic ang kanyang mga parents at wala silang nararamdamang sintomas sa kabila na senior citizens na ang mga ito.

Lahat sila ay nag-self quarantine sa loob ng kanilang bahay.

Binahagi ni Alex ang kanyang nararamdaman habang kasalukuyang nagpapagaling sa sakit kabilang ang panghihina ng katawan, sore throat, loss of appetite, at clogged nose.

Naging suwerte naman ang aktres at ang mga kasamahan niya sa bahay dahil nagnegatibo silang lahat sa muli nilang pag-swab test matapos ang 14-day quarantine.

Dahil dito, naging masaya si Alex Gonzaga at nagbahagi pa ito ng mga tips kung paano mai-survive ang sarili sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *