Alex Eala kampeon sa singles division sa Ja Milan 61 Trofeo Bongfilio

Alex Eala kampeon sa singles division sa Ja Milan 61 Trofeo Bongfilio

NAKAMIT ni Philippine Tennis number 1 Alex Eala ang kampeonato sa singles division sa Ja Milan 61 Trofeo Bongfilio.

Ito ay matapos pinadapa ni Eala si Nikola Bartunkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3 sa laro na ginanap sa Campo Tribuna Tennis Club Milano Alberto Bonacossa.

Magugunitang nakuha ni Eala at partner nitong si Madison Sieg ng US ang doubles match ng talunin sina Sofia Costoulas ng Belgium At Lucija Ciric Bagaric ng Croatia sa score na 6-4, 4-6, 13-11.

Noong 2018 nagkampeon din Eala sa singles at doubles sa Trofeo David Ferrer.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *