Alden Richards
Showbiz

Alden Richards, wagi ng Asian Star Prize Award sa South Korea

MULI na namang tumanggap ng international award ang aktor na si Alden Richards.

Kagabi nang rumampa si Richards sa red carpet ng Grand Peace Hall ng Kyunghee University sa Seoul, South Korea para tumanggap ng parangal.

Binigyan ang Filipino actor ng Asian Star Prize Award sa 2019 Seoul International Drama Awards na isang annual festival na kumikilala sa outstanding television drama productions sa buong mundo.

Sa speech ng actor, sinabi nito na isang karangalan para sa kaniya na matanggap ang naturang award na kumikilala sa Asian talents.

Espesyal din aniya ang parangal dahil nakuha niya ito kasabay ng 70 taong dimplomatikong ugnayan ng Pilipinas at South Korea.

Taong 2018 nang tumanggap si Alden ng silver medal mula sa New York Festivals dahil sa kanyang pagganap sa documentary special na “Alaala: A Martial Law Special.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *