Excise Tax
Business

Alcohol Excise Tax Bill, lusot na sa committee level sa Kamara

SA pinakaunang hearing ng House Committee on House of Ways and Means ngayong 18th Congress ay agad na nailusot dito ang House Bill 1026 na nagtataas sa excise tax sa mga alcohol products.

Nasa 43 miyembro ng komite ang bumuto pabor sa adoption ng panukala na nauna nang naipasa sa 3rd and final reading sa Kamara sa mga huling bahagi ng 17th congress.

Nauna rito, nasa 10 na panukalang batas na may parehong pakay ang pinag-isa ng komite sa hearing at napagkasunduan na gamiting batayan sa pagpasa nito ang bersyon ng panukala ni Salceda na siyang ring chairman ng Ways and Means ngayong 18th Congress.

Si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ay tumutol sa adoption sa bersyon ng panukala ni Salceda at iginiit na magkaroon pa ng karagdagang hearing para marinig pa ang panig ng ibang stakeholders partikular na sa Deparment of Finance.

Subalit nanaig ang majority votes ng lahat ng miyembro at ginamit ang Rule 10 Section 48 ng house rules kaya agad na naipasa sa committee level ang Alcohol Excise Tax Bill.

Nakasaad sa ipinasang panukala na itaas sa P6.60 ang excise tax na ipinapataw sa mga alak.

Kapag naging ganap na batas magkakaroon ng ad valorem rate na 22% kabilang na ang specific tax rates per proof liter na P30, P35, P40, P45.

Inaprubahan din ang P650 unitary rate para sa mga sparkling wines habang ang aprubadong tax rate sa mga fermented liquors ay itinaas sa P2.60.

Samantala, tinaas naman sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wines, habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14% ay may P4.10 na pagtaas sa buwis.

Sa ngayon, ihahanda na ang committee report ng HB1026 at erere-refer sa Committee on Rules para maisama sa Plenary Calendar of Business. Tatalakayin naman ito sa plenary para sa 2nd reading at kung wala nang problema, pa-aaprubahan na ito sa 3rd and final reading.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *