infectious diseases
Regional

Albay, isinailalim sa state of calamity bunsod ng dengue outbreak

ISINAILALIM na din sa state of calamity ang buong lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng degue sa lugar.

Batay sa pinakahuling tala ng Albay Provincial Health Office, mula Enero 1 hanggang Agosto 7, lumobo na sa 3,055 ang bilang ng kumpirmadong dengue cases kung saan 12 sa mga ito ang nasawi.

Mas mataas ito ng 6.7% kumpara sa kaparehong panahon noong 2018 na 455 dengue cases kung saan 4 ang nasawi.

Naitala ang pinakamaraming kaso ng dengue sa bayan ng Tiwi, Pio Duran at Daraga.

Magugunitang nauna nang nagdeklara ng state of calamity sa bayan ng Albay noong Agosto 10.

Dahil dito ay humihiling ang Albay-PHO ng P2 milyong pondo para sa pagbili ng dengue kits at paraphernalias na gagamitin sa pagsugpo ng dengue-carrying mosquitoes.

Ito na ang ika-25 local government unit na nagdeklara ng state of calamity dahil sa nasabing sakit.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *