Aktres na si Ivana Alawi, namahagi ng relief goods sa Cagayan Valley

Aktres na si Ivana Alawi, namahagi ng relief goods sa Cagayan Valley

UMANI ng papuri ang aktres at social media star na si Ivana Alawi matapos itong mamahagi ng relief goods sa Cagayan na labis na sinalanta ng napakalaking baha dala ng Bagyong Ulysses.

Personal na pumunta at namahagi ang sexy actress sa nasabing lugar upang i-abot ang kanilang hinandang mga relief goods.

Matapos maibigay ang kanyang mga donasyon, nag-courtesy call din si Ivana kay Governor Manuel Mamba.

Maliban kay Alawi, personal ding nagtungo sina Ruffa Guttierres at KC Concepcion sa Tuguegarao City para mamahagi din ng tulong.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *