buy-bust
Metro

Aktibong pulis, arestado sa buy-bust operation sa Muntinlupa City

ARESTADO ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group ang isang aktibong pulis sa isang drug buy-bust operation sa Muntinlupa City.

Inaresto ang pulis na si Patrolman Leo Diño Valdez na nakatalaga sa Camp Crame matapos magbenta sa isang police poseur buyer ng isang libong pisong halaga ng shabu sa PNR site, Barangay Putatan.

Nakuha kay Valdez ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Maliban sa pagbebenta ng ilegal na droga, nakuhanan na din ang pulis sa isang video na humihithit ng shabu.

Sa ngayon ay inihahanda na ng PNP ang kasong kriminal at administratibo na isasampa laban kay Valdez.

 SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *