National

Airline companies, hinikayat na ‘wag maningil ng rebooking fee sa mga turistang naka-iskedyul nang bumisita sa Boracay

Nanawagan sa mga airline company ang Department of Tourism (DOT) na huwag nang maningil ng rebooking fee mula sa mga turistang naka-iskedyul nang bumisita sa Boracay, Aklan.

Ito ay kung sakaling matuloy ang mungkahing  pagpapasara  sa isla para sa gagawing rehabilitasyon.

Sinabi ni Tourism Secretary Wanda Teo, na alinsunod ito sa rekomendasyon na 2-month temporary shutdown ng Boracay sa mga turista.

Plano ng ahensya na  ibida ang ibang tourist destination sa bansa bilang alternatibo sa sandaling ipasara ang Boracay  na pangunahing  destinasyon ng mga turista lokal man o dayuhan.

Balak ng DOT na isabay ang shutdown ng Boracay sa panahon ng habagat upang hindi umano gaanong maapektuhan ang kita sa turismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *