Air Asia, hindi na kailangan ang COVID-19 test sa fully vaccinated

Air Asia, hindi na kailangan ang COVID-19 test sa fully vaccinated

INANUNSYO ng Air Asia Philippines na lahat ng kanilang domestic destination ay hindi na nangangailangan ng COVID-19 test gaya ng RT-PCR Test o antigen test sa mga fully vaccinated na mga pasahero.

Kabilang sa mga local destination ng naturang airlines ang tumatanggap na lamang ng vaccination card sa mga pasaherong nakakumpleto na ng kanilang bakuna.

Gaya ng Zamboanga City, Puerto Princesa, Caticlan (Boracay), Bohol, Kalibo, Tacloban, Bacolod, Iloilo, General Santos, Cagayan de Oro, Zamboanga at Davao.

Bukod dito, inanunsyo din ng naturang airlines na simula noong Nobyembre 16, ang mga pasahero ng Air Asia ay hindi na rin  kailangang magsuot ng face shield sa loob ng eroplano patungo sa lahat ng destinasyon.

Ang bagong alintuntunin ay  sa ilalim ng Alert Level 1, 2 at 3, alinsunod sa IATF Resolution 148-D na  inirerekomenda ng Department of Transportation (DOTr).

Samantala, ipinagmamalaki naman ng Philippine Airlines na nadagdagan na ang overseas station na inilagay sa green list mula Nobyembre 16 hanggang Nobyembre 30, 2021 ng Philippine Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa classification ng green list ang mga pasaherong dumarating mula sa mga bansang ito ay mas mapapaluwag na ang quarantine protocols.

Kabilang sa mga green list countries na may overseas station ang Philippine Airlines ay ang:

  • Indonesia (Jakarta)
  • Hong Kong SAR, China (Hong Kong)
  • Mainland China
  • Japan (Tokyo Haneda, Tokyo Narita, Fukuoka, Osaka Kansai, Nagoya)
  • Saudi Arabia (Dammam, Riyadh)
  • taiwan (Taipei)
  • United Arab Emirates (Dubai)

Ang mga pasahero  na  kumpleto na ang bakuna mula sa green list areas ay kailangan na lamang na ipakita ang kanilang  negative RT-PCR test na epektibo sa loob ng 72 hours bago ang pag-alis mula sa bansang pinanggalingan.

Hindi na rin kinakailangan ng mga pasahero na sumailalim sa facility-based quarantine.

BASAHIN: Biyahe mula Manila patungong Hong Kong at Singapore, madagdagan na

SMNI NEWS